Ang Renaissance Period ay tumutukoy sa ika-14 hanggang ika-16 na siglo sa Europa. Ang ibig sabihin ng salitang Renaissance ay "rebirth" o "muling pagsilang", at ang muling naisilang sa panahong ito ay ang interes sa sining ng klasikong Greece at Rome. Nagsimula ang Renaissance sa Italya, at ito ay lumaganap sa buong Europa.
Nagbigay-daan ang Renaissance sa pag-usbong ng humanismo. Ito ay...
- kombinasyon ng relihiyon at sekularisasyon
- paniniwalang hindi teolohiya ang dapat pangunahing matutunan ng tao kundi ang mga ibang asignatura din
- binigyang-diin ang mga materyal na bagay at ang kagandahan ng buhay
Ang sentro ng Renaissance ay ang mga iba't-ibang artista na nagpalaganap ng kanilang mga marka sa panahong ito. Sa tulong ng mga patron, nabigyan ng pondo at proteksyon ang mga artista, kaya mas lalong pinahalagahan ang mga ito. Ang mga sumusunod ay ang mga artista na kailangan nating pag-aralan at malaman.
1) Baldassare Castiglione
- artista sa edukasyon
- sinulat ang The Courtier, na naglalarawan ng isang tunay na maginoong lalake
- isang Renaissance Man, o well-rounded/universal man
2) Johann Gutenburg
- artista sa edukasyon
- nag-imbento ng printing press noong 1450
- nakatulong ang imbensyong ito sa pagpapabilis at pagpapamura ng produskyon ng mga aklat
- nakatulong sa edukasyon sa pamamagitan ng pagbasa
3) Francesco Petrarch
- artista sa panitikan
- tinataguriang Ama ng Humanismo
- deboto sa klasikong edukasyon ng Greece at Rome
- gumugol ng panahon at salapi upang mahanap ang mga manuskripto ng mga sinaunang sibilisasyon
- nakakalap ng mahigit 200 klasikong likha ng mga Griyego't Romano
- sumulat ng Song Book, isang aklat na naglalaman ng mga sonata para sa kanyang minimahal na si Laura
- ang kanyang mga likha ay nakaimpluwensiya sa mga sumunod na manunulat
4) Giovanni Boccacio
- artista sa panitikan
- sumulat ng Decameron, isang aklat na naglalarawan ng 100 na kwento na ikinikwento sa loob ng sampung magkakasunod na gabi ng sampung lalaki at babae
- matalik na kaibigan ni Petrarch
5) Niccolo Machiavelli
- artista sa panitikan
- sumulat ng The Prince, isang aklat na naglalarawan ng mga nararapat na kwaliti ng mga pinuno
- paniniwala niya na ang pinuno ay dapat marahas, tuso at manlilinlang upang makamit at mapanatili ang kapangyarihan
- iba pa niyang paniniwala: "Might Is Right" at "The End Justifies the Mean"
- nagpasimula ng panibagong kaisipang pampulitika
6) Desiderius Erasmus
- artista sa panitikan
- tinaguriang Prinsipe ng Humanismo
- sumulat ng In Praise of Folly, isang aklat na tumutuligsa sa mga kamalian ng lipunan at simbahan
- nakatulong sa repormasyon ng Simbahang Katoliko
7) Sir Thomas Moore
- artista sa panitikan
- sumulat ng Utopia, isang aklat na naglalarawan ng isang "ideal state"
- nagpalaganap ng Renaissance sa England
- nag-enganyo sa pagtuturo at pag-aaral ng humanismo sa Oxford university
- naging kaibigan ni Desiderius Erasmus
8) Miguel Cervantes de Saavedra
- artista sa panitikan
- sumulat ng Don Quixote de la Mancha, isang aklat na kumukutya sa kabalyerismo at realidad
- isa sa pinakamagaling na manunulat mula sa Espanya
9) William Shakespeare
- artista sa panitikan
- isang manunulat ng dula at alagad ng teatro
- ipinakita sa kanyang mga dula ang paghanga sa sangkatauhan
- ipinahiwatig ang iba't-ibang emosyon ng tao
- ang kanyang mga tauhan ay kakaiba at kapani-paniwala
10) Francois Rabelais
- artista sa panitikan
- isang quote: "Let nothing in the world be unknown to you."
- sumulat ng Gargantua and Pentagruel, isang aklat na nangungutya sa mga taong hindi sang-ayon sa humanismong pananaw
- naniniwala sa buhay na aktibo
11) Michel de Montaigne
- artista sa panitikan
- tinaguriang Father of Modern Essays
- sumulat ng mga sanaysay tungkol sa pagkakaibigan, edukasyon atbp.
- ginagamit ang conversational style na naglalarawan ng kanyang mga ideya at hilig
12) Hans Holbein
- artista sa sining
- pintor mula sa Augsburg, Germany
- isa sa kanyang mga kilalang larawan ay ang The Ambassador
- pininta niya ang mga larawan ni Desiderius Erasmus, Sir Thomas Moore, Henry VIII at ang kanyang mga asawa
13) Jan Van Eyck
- artista sa sining
- nag-develop ng oil-painting technique
- pininta ang mga larawang Arnolfini Portrait at The Virgin with Chancellor Rolin
14) Sandro Boticelli
- artista sa sining
- pintor ng Renaissance
- pininta ang mga larawang Prima Vera, The Annunciation at Birth of Venus
15) Raphael Santi
- artista sa sining
- isa sa mga pinakabatang pintor ng Renaissance
- nakita sa kanyang mga larawan ang harmony at symmetry
- pininta ang mga larawang School of Athens at Madonna and Child
Sana'y nakuha ninyo lahat yun. =P
~> Kyle
← Ctrl← Alt
Ctrl →Alt →
← Ctrl← Alt
Ctrl →Alt →